ALAMIN ANG PINSALA | DSWD, nagsagawa na ng assessment sa mga lalawigan na dinaanan ni tropical storm Basyang

Manila, Philippines – Nagsagawa na ng assessment ang Department of Social Welfare and Development sa mga lalawigan na dinaanan ni tropical storm Basyang para malaman ang lawak ng pinsala na iniwan nito.

Ginagawa ito ng ahensiya upang makapagpadala kaagad ng mga relief goods bilang augment resources sa local government units kung kinakailangan.

Sa ngayon kasi, kaya pa ng mga LGUs na ibigay ang mga pangangailangan ng mga pamilya sa kani kanilang nasasakupan.


Ayon kay DSWD OIC Emmanuel Leyco, bagamat nagpapatuloy ang relief operations ng ahensiya sa Bicol, may kakayahan pa naman ito na suportahan ang mga LGUs na sinalanta ng bagyong Basyang.

Batay sa inisyal na datos ng DSWD may 9,784 pamilya o 40,413 katao ang napinsala ni Basyang sa 170 barangays sa Regions 6-7 at CARAGA region.

Kasalukuyang nasa 149 evacuation centers sa tatlong rehiyon naninirahan ang halos karamihan sa mga pamilyang apektado ng bagyo.

Facebook Comments