Manila, Philippines – Ipinag-utos na ng Dept. of Transportation (DOTr) ang imbestigasyon sa paglubog ng MV Mercraft 3 sa karagatan sa pagitan ng Quezon at Polillo Islands.
Ayon kay Transportation Sec. Arthur Tugade – dapat malaman agad ang sanhi ng paglubog ng sasakyang pandagat para makagawa ng kautusan nang hindi ito maulit.
Sa inisyal na ulat, lumubog ang MV Mercraft 3 na may sakay ng higit 200 pasahero dahil sa lakas ng ulan at hangin.
Anim ang kumpirmadong patay habang tatlo ang nawawala.
Gayumpaman, iginiit ng Philippine Coast Guard (PCG), walang nilabag na protocol ang naturang bangka para maglayag.
Inaasahang maglalabas ng rekomendasyon ang mga awtoridad sa oras na matapos ang ginagawang imbestigasyon.
Facebook Comments