Alamin ang wish ng comedian actress na si Pokwang at nobyong si Lee O’Brian kay Baby Malia

Manila, Philippines – Happy at excited ang comedian actress na si Pokwang at Nobyong si Lee O’Brian sa birthday ng kanilang anak na si Baby Malia.

Si Malia ay magdiriwang ng kanyang 1st birthday bukas, January 18.

Say ni Pokwang, mula ng dumating sa buhay nila si Baby Malia, naging magaang at masaya na ang lahat.


Kaya naman hiling ng aktres sa kanyang kaarawan, sana ay makuha ng kanyang bunsong anak ang “kung ano ang gusto niya sa buhay” paglaki.

Si Lee naman, nais ang isang “very happy life” para sa kanyang anak.

Itinuturing ng dalawa na superhero ng kanilang buhay ngayon si Baby Malia.

Facebook Comments