Alamin kung bakit baby boy ang hiniling ni Camille Prats na gender ng kanyang susunod na anak

It’s a baby boy.

Ito ang lumabas sa Baby Gender Revele party na isinagawa ng celebrity mom na si Camille Prats at ng asawa na si VJ Yambao.

Say ni Camille, wish granted daw mula sa Panginoon ang pagkakaroon ng little prince lalo nat sikretong ipinagdasal daw niya talaga ang magkaanak ng lalaki.


Katwiran nito, gusto niya daw kasi na ang kanyang two-year-old daughter ang nag-iisang princess na si “nala” sa kanilang pamilya.

Para nga daw siyang nanalo ng lotto ng sabihin sa kanya ng doktor na lalaki ang kanyang gender ng kanyang ipinagbubuntis.

Pasko nitong 2018 ng ianunsyon ng mag-asawa na buntis si Camille at inaasahang panganganak sa July.

Facebook Comments