Alamin kung saan magbabakasyon ang inyong mga paboritong artista ngayong Holy Week

103

Kanya-kanya ngayon ng diskarte ang mga celebrity para samantalahin ang kanilang bakasyon ngayong Semana Santa.

Ang celebrity couple na sila Joshua Garcia at Julia Barreto ay nasa Hong Kong para roon gunitain ang Holy Week.

Makikita naman sa Instagram picture na enjoy na enjoy sa Holy Week break ang Hashtag member na si Jameson Blake na nasa Hong Kong din habang nasa Bali, Indonesia naman ang peg ng ka-grupo nito na si Zeus Collins.

Pupunta naman si Jasmine Curtis Smith sa La Union para roon magbakasyon.

Habang nasa Japan naman ang teenstar at celebrity couple na sina Jack Roberto at Barbie Forteza, kasama ng kanilang kaibigan na si Zania Lopez.

Nasa Japan din si Angelica Panganiban na maswerteng nakaligtas sa minor road accident at nakahabol sa kanyang flight papuntang New York, U.S.

Facebook Comments