Isinapubliko ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kung magkano ang kaniyang suweldo bilang alkalde ng lungsod.
Sa lingguhang ulat ni Moreno sa Facebook, ipinakita niya ang dalawang tseke na naglalaman ng unang sahod noong nakaraang linggo.
(video starts at 1:08:04)
“May suweldo na ‘ko. Alam niyo mga kababayan magkano suweldo ko? Napakalaki… P122,000,” nakangiting pahayag ng pinuno ng Maynila.
Maliban sa P122,000, nakatanggap din si Moreno ng P28,000 para sa kaniyang Representation and Transportation Allowance (RPTA).
Taos-pusong pinasalamatan ng batang lider ang mga Manilenyo dahil sa suporta at tiwalang ibinigay mula noong kampanya hanggang maluklok siya sa puwesto.
Bago pa man sumabak sa pulitika, sumikat si Moreno bilang miyembro ng “That’s Entertainment” noong dekada ’80. Taong 1998, naging konsehal siya sa unang distrito ng siyudad at bise-alkalde sa loob ng siyam na taon.