ALAMIN: Mga kilalang personalidad na nakaranas ng diskriminasyon sa mga dayuhan

Courtesy AP

Bukod sa mga ordinaryong kababayan, nakaranas din ng diskriminasyon ang ilang sikat na personalidad sa ibang bansa at dayuhang nasa Pilipinas.

Narito ang ilan sa kanila:

1. SHARON CUNETA


 

View this post on Instagram

 

MEGA magazine 2019

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta) on

Salaysay ng “Megastar” sa Kapamilya talk show na “Tonight With Boy Abunda”, hindi siya pinapansin ng ilang sales representative nang minsan mamimili sa isang Cartier boutique sa bansang Hong Kong.

Aniya, priority ng mga tindera roon ang mga “keyholders” kaysa sa katulad niyang nakasuot lamang ng t-shirt at jeans.

“I said, ‘Excuse me.’ ‘I’m not finished yet!’ I was so angry, there was another sales rep who was very nice, and I ended up buying things I didn’t really need because I was so angry,” sambit ng premyadong aktres.

Aniya, tatlong beses na siyang nakaranas ng diskriminasyon sa ibang panig ng mundo.

2. REGINE VELASQUEZ


Ayon sa “Asia’s Songbird”, diretsahang panlalait ang inabot niya habang nag-so-shopping sa isang branch ng Louis Vuitton sa New York, U.S.A.

Katulad ni Cuneta, hindi magarbo ang kasuotan ni Velasquez tuwing bumibisita sa mga mamahaling tindahan.

“Kasi ‘pag nag sa-shopping ako, hindi rin naman ako naka ayos, so madi-discriminate ka talaga. Kung in my case kung mukha kang basura, na mukha kang cannot afford,” ani Velasquez sa isang press conference.

Dumating umano sa puntong hinarang siya sa pintuan, hindi pinapasok, at sinabihang “No, I don’t think we have your size”. 

Sa isa pang kilalang shop, nagawa umano ng isang salesperson na tiningnan siya mula ulo hanggang paa at hiritan ng  “I don’t think you can afford here”. 

3. LEA SALONGA

Inamin ni Lea Salonga sa programang “Storyline” na inalis sa kaniya ang karakter na Eliza Doolittle sa musical show “My Fair Lady” dahil sa pagiging Asyano.

Nabatid ng Tony Award-winning singer na tinawagan siya noon ng agent niya at inalok ang nasabing role.

Makalipas ang ilang minuto, muli siyang tinawagan nito at binanggit na “They’re not gonna see you because you are Asian.”

4. RHIAN RAMOS

Noong Mayo 2016, ibinahagi ni Rhian Ramos na nakaranas siya ng racism sa bansang France.

Pahayag ng Kapuso celebrity, “galette na gallete” ang isang matandang babae sa kaniya nang kumain siya sa isang restaurant sa Mont St. Michel.

“Thanks for the stroll, Mont St Michel! Also my first racist old lady experience in a galette restaurant with a woman who probably didnt like my fake French accent,” caption ni Ramos.

French term ng iba’t-ibang uri ng flat round cake ang salitang “galette”.

5. KIANA VALENCIANO

https://www.instagram.com/p/B3g5sj4gA2Z/

Matatandaang pinahiya ang pitong modelong Pinoy, kung saan kabilang ang anak nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan, matapos silang hindi payagan rumampa sa ginanap na LA Fashion Week noong nakaraang taon.

Ibibida sana ng grupo ni Kiana ang likha ng mga fashion designer na sina Rocky Gathercole at Resty Lagare, na pawang Pilipino.

Batay sa naglabasang ulat, pinaalis sa backstage ang mga kasaling Pinoy sa mismong araw ng fashion event.

6. RAFAEL ROSELL

https://www.instagram.com/p/B2jR2sZgAeA/

Hulyo 16, 2008, nang ikuwento ni Rafael Rosell sa entertainment portal site na PEP.ph ang naging epekto ng racism sa kaniya noong naninirahan pa sa Norway.

“Mahirap, kasi, nararamdaman ko noong bata ako, hindi ako masyadong accepted dahil sa kulay ko. Hilaw yung pagkatisoy ko, and it was pretty obvious, hindi ako Caucasian, di ba?

Dagdag ng ngayo’y Kapamilya actor, ayaw niyang mangitim noon o mabilad sa araw kahit every two years silang nagbabakasyon sa Pilipinas.

“May epekto sa akin yung narinig kong comment from my best friend. Kasi, may nakita kaming black man who was playing soccer then. He told me, ‘yuck’ daw yung pagkaitim ng lalaki.”

Kaya laking tuwa ng actor-model nang nagustuhan ng mga indibidwal roon ang “exotic cool looks”.

7. GILAS PILIPINAS

Taong 2018 nang mauwi sa suntukan ang laban ng Gilas Pilipinas at Australia sa ginanap noon na 2019 FIBA World Cup qualifying game sa Philippine Arena.

Magugunitang nagkapisikalan ng laro sina RR Pogoy at shooting guard na si Chris Gouilding sa kalagitnaan ng third quarter.

Tila iginanti ni Daniel Kickert si Gouilding dahilan para matumba ang Pilipinong manlalaro.

Doon na nagsimulang magrambulan ang dalawang koponan.

Nag-ugat umano ang alitan nang paulit-ulit tawaging unggoy ng Aussie players ang mga atletang Pinoy.

Facebook Comments