ALAMIN! | Pagtulog nang nakabukas ang ilaw, nakatataba

Light’s on o light’s off?

Alam niyo ba na ilang pag-aaral ang nagsabing posibleng maging dahilan ng pagtaba ng isang tao ang pagtulog nang nakabukas ang ilaw?

Paliwanag ng mga eksperto, ang labis na exposure sa liwanag sa oras ng pagtulog ay nakapagpapataas ng body mass index at laki ng baywang lalo na ng mga babae. Nagugulo raw kasi nito ating ang body clock.


Isang pag-aaral din ang ginawa ng mga researcher mula Ohio State University.
Para matukoy kung paano nakaaapekto ang nocturnal light sa bigat, body fat at glucose intolerance gamit ang mga laboratory mouse.

Dito, napatunayan na ang madalas na exposure sa night time-light ay nakapagpapataas ng bigat, body fat at glucose intolerance na siyang dahilan naman ng pagtaba.

Facebook Comments