ALAMIN | Presyo ng NBI Clearance Tataas

Ang dating nasa 115 pesos na NBI clearance ay itataas sa presyong P130 simula sa ika -12 ng Marso dahil sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Ayon kay Rosario P. Fabia, OIC – Clearance Section ng National Bureau of Investigation (NBI) Dagupan City, magtataas ang presyo ng NBI Clearance dahil sa pagtaas ng presyo ng papel na ginagamit ng aheensya dahil sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law at sa iba pang Excessive Taxes na ini-issue ng gobyerno.

Ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law ay ang buwis na naaprubahan noong ika -1 ng January, 2018 na kung saan magtataas ng presyo ng langis, sigarilyo, sugary drinks, at sasakyan.


Ang bagong issue ng NBI Clearance ay pwede ng magamit sa lokal at ibang bansa.

Ulat ni Anthonette Joyce Camacho

Facebook Comments