ALAMIN | Sen. Grace Poe, hinalang may sindikato sa loob ng NFA kaya nagkukulang ang supply

Manila, Philippines – Posible umanong may sindikato sa loob ng National Food Authority (NFA) kaya nagkukulang ang suplay ng NFA rice sa bansa.

Ayon kay Sen. Grace Poe, dapat na alamin kung may sindikatong pumipigil sa paglalabas ng impormasyon kung sapat ba o hindi ang suplay ng bigas ng ahensya.

Dapat din aniyang balikan ang mga nakaraang isyu sa NFA gaya ng rice smuggling na apat na taon anng natalakay sa senado pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nsosolusyunan.


Nanawagan din ang senadora sa Department of Agriculture na iprayoridad ang pagbili ng bigas mula sa mga local farmers kaysa mag-import sa ibang bansa.

Facebook Comments