ALAMIN: Talambuhay ni Eddie Garcia

Ipinanganak noong Mayo 2, 1929 sa bayan ng Sorsogon ang beteranong aktor na si Eddie Garcia.

Una siyang lumabas sa pelikulang “Siete Infantes de Lara” noong 1949.

Taong 1961, naging director si Manoy sa pelikulang “Karugtong ng Kahapon.”


Mula nung pumasok sa mundo ng showbiz, gumanap siya sa mahigit 300 pelikula. Madalas din siyang nominado at nanalo sa iba’t-ibang award giving bodies.

Narito ang listahan ng mga natanggap niyang parangal:

FAMAS Awards

  • 5 Best Actors
  • 7 Supporting Actor
  • Best Director
  • 2 Hall of Fame award bilang aktor at direktor
  • Lifetime Achievement Award

Gawad Urian Awards

  • Best Actor (Deathrow, ipinalabas noong taong 2000)
  • Lifetime Achievement Award

Golden Screen Awards

  • 2 Best Actors

Metro Manila Film Festival

  • Lifetime Achievement Award
  • Best Director (Atsay)

Golden Reel Awards

  • 3 Best Director
  • 1 Best Actor

FAP Awards

  • Lifetime Achievement Award

Nagwagi din siya ng tig-isang Best Actor award sa Asia-Pacific Film Festival at Asian Film Awards.

Katangi-tangi rin ang pagganap ni Manoy sa Cinemalaya movie na “ML” kung saan naiuwi niya ang Best Actor award taong 2018.

Nanalo siya ulit ng Best Actor award sa 2018 QCinema International Film Festival para sa pelikulang “Hintayan ng Langit.”

Disyembre nang nakaraang taon, pinarangalan ng Special Jury Prize si Garcia dahil pambihirang pagtatanghal niya sa pelikulang “Rainbow Sunset.”

Maliban sa iba’t-ibang karangalan kanyang nakamit, kilala si Manoy bilang mabait, mapagmahal, at maayos na ka-trabaho.

Namatay si Garcia ngayong araw matapos ang mahigit isang linggo pakikipaglaban sa natamong severe neck fracture.

Facebook Comments