Kamakailan, naging trending sa social media ang salitang ‘ghosting’ matapos itong gamitin ni Paulo Avelino sa sinapit ng relasyon nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.
Na Bea Alonzo ka na ba bes? 👻👻👻 #ghosting
— Paulo Avelino (@mepauloavelino) July 26, 2019
Matatandaang sinabi ni Bea sa isang panayam nitong Biyernes na wala silang pormal na break-up ni Gerald at bigla nalang itong hindi nagparamdam sa kanya.
Tila naka-relate ang ilang netizens sa pinost ni Paulo sa kanyang Twitter account dahil naglipana sa internet ang mga kuwentong ‘ghosting’.
“he just started not talking to me” #ghosting 👻👻 pic.twitter.com/5FjNP6AgoS
— 👽 (@imcharlferrer) July 26, 2019
this is my version of “he just started not talking to me” 🙃🙃🙃#ghosting pic.twitter.com/vpp7c4rCsn
— Leo Flores (@leoboujee) July 26, 2019
Ngunit, ano nga ba ang ibig sabihin nito at paano nagsimula?
Ayon sa mga eksperto, ang ‘ghosting’ ay biglang paglaho ng isang tao matapos magparamdam ng pagmamahal at pagtingin sa dating iniibig o nagugustuhan. Kaya naman, inihalintulad ito sa isang multo o ghost.
Taong 2015, nagsimula gamitin ang millennial term na ito sa mga hiwalayan ng sikat na personalidad sa Estados Unidos.
Sa ulat ng isang international dating website, ginagawa raw ito ng mga ‘ghosters’ dahil ayaw nilang makapanakit ng damdamin kapag sinabi nila ang linyang “I’m sorry, I don’t love you anymore”.
Pero para sa mga biktima ng ‘ghosting’, sumisimbolo ito ng kaduwagan at pagiging isip bata.
Ano nga ba ang dapat gawin para maka-move on sa ghosting?
Una, dapat tanggapin ang katotoohanang hindi na siya babalik kapag hindi na siya nagparamdam sayo ng tatlong araw o higit pa. Kung gusto ka pa niya ulit makausap o makita, gagawa at gagawa ito ng paraan.
Pangalawa, maari mong burahin ang numero niyang naka-save sa iyong telepono, i-unfriend o i-unfollow sa mga social media sites para hindi mo na siya macheck pa. Iwasan ang mga bagay na magpapaalala sa kanya. Maging busy sa ibang paraan.
Pangatlo, huwag magmakaawa sa mga taong iniwan ka. Patunayan na kakayanin mong mabuhay nang wala siya.
Tandaan, kapag mahal ka ng isang taon, hinding-hindi ka niya iiwan anuman mangyari.