ALAMINIAN, HINANGAAN SA 3-CHAIR TURN PERFORMANCE SA NATIONAL SINGING CONTEST

Ipinagmamalaki ng Pamahalaang Lungsod ng Alaminos ang kanilang kababayan na si Audriz Hanna C. Cerineo mula Barangay Poblacion matapos ipamalas ang kanyang husay sa isang kilalang national singing contest sa telebisyon.

 

Hinangaan si Cerineo sa kanyang pambihirang 3-Chair Turn performance sa The Voice Kids Philippines, dahilan upang mapabilang siya sa Team Benkada, sa ilalim ng paggabay nina Coaches Paolo at Miguel ng sikat na bandang Ben&Ben.

 

Matatandaan na si Cerineo ay tinanghal na 1st Runner-Up sa The Voice of Pangasinan 2025 – Season 3 Kids Edition, kung saan lalo pang nahasa ang kanyang talento bago sumabak sa national stage.

 

Ipinaabot naman ng lokal na pamahalaan ang kanilang taos-pusong pagbati at buong suporta kay Cerineo, na nagsisilbing inspirasyon at patunay ng galing at talento ng mga kabataang Alaminian.

 

Tunay ngang hindi nagpapahuli ang mga Pangasinense sa larangan ng musika, patunay na ang talento mula sa probinsya ay kayang makipagsabayan sa pambansang entablado. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments