ALAMINOS CITY ANTI-DRUG ABUSE AT PEACE AND ORDER COUNCILS NAGPULONG PARA SA 2ND QUARTER NG TAON

ALAMINOS, PANGASINAN – Nagsagawa ng isang pagpupulong ang Anti-Drug Abuse at Peace and Order council sa lungsod ng Alaminos.

Ito ang ikalawang quarter meeting ng mga ahensya sa siyudad.
Dinaluhan ito ng mga kawani sa mga nasabing kagawaran at naroon din ang chief executives ng syudad.

Ang nasabing pagpupulong ay isinagawa sa layuning matalakay ang mga proyekto at programa upang masiguro ang kaayusan at kapayapaan sa lokalidad.


Bukod pa rito napag-usapan din ang community-based rehabilitation programs para sa mga persons who used drugs o PWUDs para sa kanilang tuluyang pagbabago kung saan magbebenepisyo hindi lamang sila mismo kundi maging ang kanilang mga pamilya at ang komunidad na kanilang kinabibilangan.

Kasama rin sa usapin ang iba’t ibang peace and order and public safety issuances.

Samantala, nagbigay-ulat naman si Alaminos City Police Chief PLT COL Leonard Paredes sa kanyang 100-days accomplishment sa serbisyo.

Facebook Comments