
Nakiisa ang Alaminos City sa pagdiriwang ng National Down Syndrome Consciousness Month ngayong Pebrero sa pamamagitan ng pagsasagawa ng “Express and Move: Extra Chromosome, Extra Joy! A Day of Creativity and Talent!” sa City Gymnasium.
Tampok sa aktibidad ang iba’t ibang pagtatanghal at malikhaing gawain kung saan naipamalas ng mga People with Down Syndrome ang kanilang talento at kakayahan sa sining at galaw.
Layunin ng programa na mapalakas ang tiwala sa sarili ng mga kalahok at mapataas ang kamalayan ng komunidad tungkol sa kahalagahan ng pagtanggap at paggalang, bilang hakbang tungo sa mas inklusibo at mas mapagkalingang lipunan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










