ALAMINOS CITY, PINAGTIBAY ANG MGA PROGRAMA SA KAPAYAPAAN AT KAAYUSAN

Isinagawa kahapon ang 4th Quarter Meeting ng Joint City Peace and Order Council (CPOC) at City Anti-Drug Abuse Council (CADAC) sa Lungsod ng Alaminos upang talakayin at repasuhin ang mga programang nagtataguyod ng kaayusan, kaligtasan, at patuloy na pag-unlad ng komunidad.

Ang pagpupulong ay naglalayong palakasin ang koordinasyon sa pagitan ng lokal na pamahalaan, law enforcement agencies, at iba pang katuwang na institusyon upang matiyak ang epektibong pagpapatupad ng mga polisiya para sa kapayapaan, kaayusan, at kampanya kontra ilegal na droga.

Tinalakay dito ang kasalukuyang kalagayan ng peace and order sa lungsod, mga tagumpay at hamon ng anti-drug programs, at mga rekomendasyon para sa pagpapahusay ng mga inilalatag na proyekto.

Sa pulong, tinalakay ng mga konseho ang mga sumusunod na mahahalagang paksa:

Pag-update sa peace and order situation ng Alaminos City, Status ng anti-illegal drug efforts at community-based rehabilitation programs, Ongoing at proposed public safety initiatives, Pagpapalakas ng ugnayan sa mga barangay para sa grassroots implementation, at Pagbuo ng mga rekomendasyon para sa 2026 action plans at interventions.

Binigyang-diin ng alkalde ang kahalagahan ng patuloy na pagtutulungan upang maisakatuparan ang layuning magkaroon ng mas ligtas at mas maunlad na Alaminos City.

Umaasa ang lokal na pamahalaan na ang mga napagkasunduan sa pulong ay magbibigay-daan sa mas epektibong pagpapatupad ng mga hakbang para sa kapayapaan at kaayusan, lalo’t papalapit ang panahon ng kapaskuhan at ang pagpasok ng taong 2026.

Facebook Comments