Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Alaminos City na magsasagawa ng regular na Kalinisan Day tuwing Sabado at Linggo sa bawat barangay bilang bahagi ng kanilang layunin na magkaroon ng zero waste na lungsod.
Nitong Enero, sinimulan ang programa na nilahukan ng daan-daang barangay council, health workers, mga miyembro ng tricycle operators and drivers association (TODA), at iba pang civilian volunteer organizations.
Kasabay ng pagdiriwang ng Zero Waste Month ngayong Enero, hinihikayat ng mga barangay council ang publiko na magbigay ng suporta sa naturang programa upang mapanatili ang kalinisan at kalikasan, at upang maiwasan ang anumang uri ng sakit.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments