ALAMINOS FILMMAKERS, NAG-UWI NG PARANGAL SA KATATAPOS NA TOKYO FILM FEST

Nasungkit ng mga filmmaker ng Layag Productions ang “Student Award” sa katatapos na TOYO Tourism Short Film Festival sa Tokyo, Japan para sa kanilang pelikulang “Ang Himala sa Kamay ng Daang Tao”.
Ang maikling dokumentaryo ay tumatalakay tungkol sa mahimalang paraan ng pagtatayo ng Pilgrimage Island sa bukas na katubigan ng Hundred Islands sa Alaminos.
Ang parangal ay ibinigay sa TOYO University kay Ms. Raquel Rivera, ang producer ng pelikula at pinuno ng produksyon. Kasama sina G. Aladin Mayo, pinuno ng Alaminos City National High School, at John Michael Campos.

Ang nasabing pelikula ay sa ilalim ng direksyon ni Jezreel Necesito, isang katutubong Alaminos, at kasalukuyang estudyante ng AB film sa De La Salle – College of Saint Benilde.
Samantala, ikinararangal naman ng Bayan ng Alaminos ang mga nagwagi sa kanilang pagkamalikhain sa nasabing larangan. |ifmnews
Facebook Comments