ALANGANIN | PNP, medyo alanganin sa panukalang mandatory drug test sa mga grade 4 student

26

Manila, Philippines – Bagaman at suportado aminado si PNP Chief Director General Oscar Albayalde na masyadong bata ang mga grade 4 student para isailalim sa mandatory drug testing.

Sabi ni Albayalde – maaari naman itong gawin basta at may pahintulot ng mga magulang.

Sa ngayon, mas pabor aniya siya sa pagsasagawa ng mga drug resistance education para sa mga grade 5 at grade 6 student.

Nakikita kasi ng PNP na mas kritikal sa paggamit ng iligal na droga ang mga high school student.

Facebook Comments