Itinaas na sa unang alarma ang Marikina River matapos na sumampa na sa 15 meters ang water level sa ilog.
Dahil sa pagtaas ng tubig, nalubog sa tubig ang ilan sa mga sasakyan na nakaparada malapit sa ilog.
Kaugnay nito, magpapatupad na rin ng Preventive Evacuation ang City Disaster Risk Reduction Office sa mga residenteng nakatira malapit sa ilog oras na itaas sa second alarm sitwasyon sa lugar.
Samantala kapag umakyat naman sa 18 Meters ay itataas na ito sa ikatlong alarma at ipapatupad na ang pwersahang paglikas sa mga residente.
Facebook Comments