Alaska Aces – nakaresbak kontra San Miguel Beermen sa PBA Governor’s Cup

PBA – Tinapos na ng Alaska Aces ang sunod-sunod na pagkatalo matapos nilang ilampaso ang San Miguel Beernmen (SMB) sa iskor na 90-79 sa 2017 PBA Governor’s Cup sa Angeles University Foundation Sports and Cultural Center sa Pampanga kagabi.

Pinangunahan ni Ladontae Henton ang panalo ng Aces na kumamada ng 36 points at 15 boards at dinagdagan pa ito ng Pampanga native na si Calvin Abueva ng 13 points at 9 na boards.

Sa bagong rekord nito na 1-6, balak na itong balansehin ng koponan matapos ng limang buwan nitong wala pang panalo.


Facebook Comments