Alaska Aces, tinalo ang Phoenix Super LPG sa 2020 PBA Philippine Cup

34

Isang come from behind win ang ipinakita ng Alaska Aces laban sa Phoenix Super LPG Fuel Masters.

Umarangkada ang aces sa 4th quarter dahilan para talunin nila ang Fuel Masters sa score na 105-97.


Nanguna sa panalo ng Alaska si Vic Manuel na may 24-points at 7-rebounds.

Dahil sa panalo, umangat sa panglimang puwesto sa team standings ang Aces na may 5-3 win/loss record habang ang phoenix ay nasa pang-anim na puwesto hawak ang 4-3 win/loss record.

Sunod na makakalaban ng Aces ang Barangay Ginebra sa Linggo, alas-6:45 ng gabi sa Angeles University Foundation Sports Arena.

Facebook Comments