Alaska Aces, wagi kontra NLEX Road Warriors; 100-87

Tinambakan ng Alaska Aces ang NLEX Road Warriors sa score na 100-87 sa PBA Commissioner’s Cup.

Nanguna sa Aces si Jeron Teng na nakapagtala ng 20 points at career-high na 15 rebounds para makabawi ang Aces sa dalawang sunod na pagkatalo.

Nag-ambag naman ng 17 points at 12 rebounds si Chris Daniels para hindi papormahin ang wala pang panalong NLEX.


Kuntento naman si Aces coach Alex Compton sa naging laro ng kaniyang players.

Samantala, inilampaso naman ng NorthPort Batang Pier ang TNT KaTropa sa score na 110-86.

Bumida sa panalo ng Batang Pier si Stanley Pringle na nagtala ng 22 points.

Habang nagdagdag naman ng 21 points si Robert Bolick at ang kanilang import na si Prince Ibeh na mayroong 18 points at 20 rebounds.

Ikinatuwa naman si NorthPort coach Pido Jarencio ang halos perpekto depensa ng koponan.

Facebook Comments