Cauayan City, Isabela – Isinagawa kaninang umaga ang alay lakad 2018 kaugnay sa paggunita ng kaarawan ng dating mayor sa lungsod ng Cauayan na si Mayor Ben Dy na may temang “The Ben Walk for a Cause Alay Lakad Kabataan Suporta ng Bayan”.
Dinaluhan ito ng mahigit sa tatlong libong kalahok mula sa iba’t ibang estudyante ng iba’t ibang paaralan dito sa lungsod ng Cauayan maging ang iba pang inter-agencies.
Ayon kay Sangguniang Panlungsod Member Garry Galutera, layunin umano ng alay lakad na makalikom ng pondo para sa lahat ng miyembro ng out of school youth ng Cauayan City kung saan ay boluntaryo umano ang ibinigay ng mga nakiisa sa walk for a cause.
Paliwanag pa ni SP Member Galutera na maliban sa pagbibigay ng suporta sa mga miyembro ng out of school youth ay bahagi rin umano ang pagbibigay ng financial support upang makatapos sa pag-aaral ang kanilang mga benepisyaryo.
Sa katunayan umano ay may beneficiary ang nasabing programa na nagtuturo na sa mga pampublikong paaralan sa lungsod kung saan ito ang nais ihalimbawa ni Councilor Galutera na maging inspirasyon sa mga out of school youth na nasa lansangan.
Kaugnay nito, isinasagawa sa F.L. Dy Coliseum ang isang araw na aktibidad na kinabibilangan ng dance sports kung saan ay dadaluhan umano ng international dance sport team at iba pang mga bisita na magmumula sa metro manila.