Albay 2nd District Rep. Joey Salceda, sinabing tatakbo si Davao City Mayor Sarah Duterte bilang pangulo

Naniniwala ang isang kongresista na tatakbo bilang pangulo si Davao City Mayor Sara Duterte – Carpio sa 2022 elections.

Ayon kay Albay 2nd District Rep. Joey Salceda, nakausap niya si Mayor Sara ilang oras bago nito ianunsyo ang pag-withdraw sa mayoralty race sa Davao City.

Aniya, isang malinaw na espekulasyon lamang ang balitang tatakbo ang alkalde bilang running mate ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos.


Giit ni Salceda, wala sa opsyon ni Mayor Sara ang pagiging bise-presidente.

Samantala, sinabi ni Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez na pwedeng tumakbo bilang pangulo si Duterte pero hindi sa ilalim ng Hugpong ng Pagbabago.

Paliwanag nito, isang regional party kasi ang HNP na siyang partido ni Mayor Sara maliban na lamang kung siya ay magiging independent candidate o di kaya’y sasapi sa isang national party para maging isang substitute candidate bago sumapit ang Nobyembre 15.

Facebook Comments