Nananatili pa ring walang kuryente ang Catanduanes at Albay matapos hagupitin ng Bagyong Rolly.
Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, ang power outages sa dalawang lalawigan ay bunga ng nasirang distribution at transmission lines.
Ang dalawang transmission line sa Tayabas patungong Naga at Naga patungong Concepcion ay naisaayos na muli.
Bahagya na ring naibalik ang supply ng kuryente sa Naga City at sa Masbate.
Sa taya ng National Electrification Administration (NEA), tinatayang aabot sa ₱2.8 billion ang iniwang pinsala ng bagyo sa linya ng kuryente.
Aabot sa 45 power cooperatives sa 25 probinsya ang naapektuhan ng bagyo.
Ang mga power plants sa Albay, Masbate, Romblon, Marinduque at Quezon ay naghihintay na maayos ang power lines.
Facebook Comments