Albay chess prodigy, wagi ng gold medal sa Thailand!

Nasungkit ng siyam na taong gulang na si Bince Rafael Operiano ang gintong medalya sa katatapos lang na 6th Eastern Asia Youth Chess Championship sa Bangkok, Thailand.

Si Operiano, tubong Oas, Albay ay napiling kinatawan ng Pilipinas matapos na manalo sa Boys Under 9 category ng National Youth and Schools Chess Championships Grand Finals noong September 16 hanggang 23, 2022 na ginanap sa Zamboanga del Norte.

Nadiskubre ni Operiano ang kanyang husay sa chess noong anim na taong gulang pa lamang siya.


Ito ay makaraan siyang Manalo sa National Age Chess Group Kiddie category na ginanap sa Albay Astrodome bago pa tumama ang COVID-19 pandemic.

Samantala, ayon sa National Chess Federation of the Philippines (NCFP), nakatakdang gawaran ng National Master (NM) status si Operiano kapag tumuntong na siya ng sampung taong gulang.

Facebook Comments