ALBAY CONGRESSMAN EDCEL LAGMAN HANDA NA MAKIPAG DEBATE PARA SA DIVORCE BILL

Matagal na umanong nakahanda si Albay Congressman Edcel Lagman na makipag debate sa mga nais kumwestiyon sa kanyang muling inihain na panukalang batas na Divorce Bill.
Sa eksklusibong panayam ng ifm dagupan sa mambabatas, noon pa man ay handa na itong makipag debate sa mga nais maliwanagan sa kanyang panukalang batas.
Aasa naman ito na may suporta na manggagaling sa Senado lalo na at nauna nang nagpahayag ng pagsuporta dito sina Sen Risa Hontiveros at Sen Pia Cayetano.
Ikinatuwa naman nito ang pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos na suportado din nito ang pagkakaroon ng diborsyo sa Pilipinas. #ifmnews
Facebook Comments