Albay Governor Joey Salceda, Inendorso Si Senadora Grace Poe Bilang Presidente Ng Bansa

5

MANILA – Kinumpirma ni Albay Governor at Liberal Party Member na si Joey Salceda na si Grace Poe ang dapat maging presidente.Kasabay nito ay ang pagbibitiw niya sa LP kasama na ang pagiging chairman ng LP Bicol Region at sinabing tatakbo sya bilang independent.Sinabi ni Salceda na nagdesisyon syang suportahan si Sen. Poe dahil pareho sila ng paniniwala ng senadora pagdating sa pagiging makatao, pati ang layunin nito sa pagpapa-unlad sa kanayunan at sa layong maging competetive ang Pilipinas.Aniya, malinaw ang mga plano ni Poe at may puso para sa ordinaryong Pilipino, may pagkiling sa kanayunan at paninindigan sa bayan, malinis ang intensyon, may galing at lakas ng loob magpatupad ng batas.Kasama ng partido ang ilang kandidato mula sa People’s Reform Party, Laban ng Demokartikong Pilipino at National Unity Party ang sabay-sabay na sumuporta sa senadora.

Facebook Comments