Nagdeklara na ng state of calamity sa lalawigan Albay dahil sa matinding epekto ng El Niño.
Ayon kay Dr. Cedric Daep, hepe ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO), inaprubahan ng sangguniang panlalawigan ng Albay ang resolusyon sa pagdedeklara ng state of calamity.
Batay sa damaged assessment report ng provincial agriculture office, pumalo na sa halos P170 million ang halaga ng pinsala sa mga pananin kung saan apektado ang nasa 5,400 mga magsasaka.
Nasa higit P128 milyon ang halaga ng pinsala sa bigas habang mahigit P33 milyong ang nasirang mais.
Pinakapektado ng tagtuyot sa Albay ay ang mga bayan ng Pioduran, Oas, Camalig, Polangui, Daraga, Ligao at Legazpi City.
Nabatid na hindi pa kasama sa nabanggit na halaga ng pinsala ang damage report sa livestock.