Albay, posibleng isailalim sa state of calamity ngayong araw

Albay – Posibleng isailailalim ngayong araw sa state of calamity ang lalawigan ng Albay.

Kasunod na rin ito ng pinsalang idinulot ng nagdaang bagyong Usman.

Ayon kay Albay Public Safety and Emergency Management Office Head Cedric Daep – ngayong hapon, magsasagawa ng sesyon ang pamahalaang panlalawigan ng Albay para pag-usapan ang posibleng pagdedeklara ng state of calamity.


Patuloy pa rin kasi aniya ang naitatalang casualty bunsod ng pagbaha at landslide sa probinsya.

Sa ngayon, limang katao na ang naiulat na nasawi sa magkakahiwalay na insidente ng landslide sa Legazpi at bayan ng Tiwi.

Habang ayon sa NDRRMC, bineberipika pa nila kung bagyong usman ang dahilan ng kanilang pagkasawi.

Facebook Comments