Albayalde, dapat na sigurong magbitiw – Gordon

Pinayuhan ni Senate Blue Ribbon Committee chairman Sen. Richard Gordon si PNP Chief General Oscar Albayalde na magbitiw na sa pwesto.

Ayon kay Gordon – kung hindi maipaliwanag ni Albayalde ang ginawa ng kaniyang mga tauhan noong siya pa ang provincial director ng Pampanga, dapat ay mag-isip isip na siya.

Ikinadismaya naman ni Gordon ang pag-iba ni PDEA Director General Aaron Aquino sa kaniyang pahayag na tinawagan siya ni Albayalde para sabihin na huwag pirmahan ang dismissal order ng dati niyang mga tauhan sa Pampanga.


Samantala, itutuloy ng Senado ang kanilang pagdinig hinggil dito mamaya.

Facebook Comments