Albayalde, napadalhan na ng subpoena ng DOJ

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guverra na napadalhan na ng subpoena ng Department of Justice o DOJ si dating PNP Chief Oscar Albayalde para paharapin sa susunod na pagdinig sa November 5.

Ito ay matapos na isama na rin ng PNP-CIDG si Albayalde bilang respondent sa reklamo laban sa ninja cops.

Binigyan naman ng DOJ respondents ng hanggang November 5 para magsumite ng counter affidavit.


Si Albayalde ay ipinagharap ng reklamong paglabag sa Section 27 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act na tumutukoy sa misappropriation, misapplication o failure to account for the confiscated or seized drugs.

Kinasuhan din si Albayalde ng paglabag sa Section 3 o Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act, paglabag sa Article 171 ng Revised Penal Code o falsification by public officer at paglabag sa Article 208 ng Revised Penal Code o dereliction of duty.

Facebook Comments