Albayalde, respondent na rin sa kaso ng ‘ninja cops’

Isinama na rin si dating PNP Chief Oscar Albayalde bilang respondent sa kaso ng ‘ninja cops’ na sangkot sa kontrobersyal na Pampanga drug raid noong 2013.

Ito ay kasunod na rin ng naging rekomendasyon ng Senado.

Si Albayalde ay sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act of 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act matapos mabunyag sa Senate hearing na nakinabang siya sa drug operation.


Kasama rin sa mga respondent si dating Police Major Rodney Baloyo at 12 ‘ninja cops’.

Samantala, sa susunod na linggo posibleng isumite na rin ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang resulta ng imbestigasyon nito hinggil sa “ninja cops”.

Ayon kay NAPOLCOM Vice Chairman Rogelio Casurao – malaking tulong ang ginawang imbestigasyon ng Senado pero hindi sila mag-aakusa ng kahit sino.

Facebook Comments