Albuera, Leyte, tintutukan ng pamahalaan matapos makapagtala ng isang patay na may kaugnayan sa eleksyon

Mahigpit na minomonitor ng pamahalaan ang sitwasyon sa Albuera, Leyte, habang papalapit ang eleksiyon.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla, nakapagtala na sila ng casualties sa Albuera na may kaugnayan sa eleksiyon kaya’t binabantayan nila ang mga pangyayari sa lugar.

Ito’y makaraang patayin ng riding-in-tandem ang umano’y isa sa mga political leader ni self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na si Meliton Mayol Jr. noong nakaraang linggo.


Samantala, magsasagawa naman ng special meeting ang Commission of Elections (Comelec), Department of National Defense (DND), Philippine National Police (PNP) at DILG sa November 15 para pag-usapan ang mga election-related cases sa bansa.

Una nang iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tutukan ang 38 election hotspots sa buong bansa kung saan 27 dito ay mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Facebook Comments