ALBUROTO | No fly zone, ipinapatupad sa paligid ng bulkang Mayon

Manila, Philippines – Pinaiiral parin ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang no fly zone sa paligid ng bulkang Mayon.

Ito ay bunsod ng patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon sa Albay.

Ayon sa CAAP hanggang alas-9 mamaya epektibo ang Notice to Airmen na ipinalabas kahapon ng alas-9 din ng umaga o sa loob ng 24-oras.


Ngunit dahil sa patuloy na pagbubuga ng abo at pag-aalburoto ng bulkan, inaasahang muling magpapalabas o palalawigin pa ng CAAP ng NOTAM.

Una nang itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Alert Level 3 ang status ng bulkang Mayon dahil sa posibilidad na pagsabog nito anu mang oras simula ngayon.

Facebook Comments