ALBURUTO | 24,000 residente, pinalikas dahil sa pagbuga ng abo ng Mount Agung

Indonesia – Pinalilikas na ang nasa 24,000 residente matapos magbuga ng abo ang Mount Agung sa Indonesia.

Umabot sa 4,000 Metro ang taas na ibinugang abo ng bulkan.

Kinansela na rin ang flights sa Lombok International Airport kung saan aabot na sa 7,000 lokal at dayuhang pasahero ang stranded.


Kasabay nito, itinaas na rin ng Indonesia Center For Volcanology and Geological Hazard Mitigation ang aviation notice sa red alert.

Gayunman, hindi pa raw maikokonsiderang delikado ang sumabog na bulkan bagama’t pinagbabawalan ang mga residente na lumapit sa anim hanggang 7.5 kilometer radius ng bulkan.

Facebook Comments