ALBURUTO | Forced evacuation, ipinatupad malapit sa Mount Agung

Indonesia – Nagpatupad na ng forced evacuation ang National Disaster Management Agency ng Indonesia dahil sa patuloy na pag-aalburuto ng Mount Agung.

Ito ay makaraang itaas sa pinakamataas na alert level ang bulkan.

Aabot sa halos 100,000 mga residenteng nakatira malapit sa bulkan ang ililikas ng militar.


Una nang isinara ang paliparan sa lugar kung saan nasa limampu’t siyam na libong mga pasahero ang na-stranded.

Facebook Comments