Alden Richards at Kathryn Bernardo, magsasama sa isang pelikula

Sa unang pagkakataon, magtatambal para sa isang pelikula sina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Ang pelikula ng dalawa ay gagawin sa ilalim ni Direk Cathy Garcia-Molina.

Ayon sa batikang direktor, kukuhanan ang pelikula sa Hong Kong at ang kwento nito ay may kinalaman sa dalawang strangers na nagta-trabaho sa abroad.


Tamang-tama raw ang pelikula sa dalawa dahil strangers naman sa isa’t-isa sina Alden at Kathryn.

Inaasahang ilalabas ang pelikula ng dalawa ngayong taon.

Facebook Comments