Alden Richards dumalaw sa ABS-CBN

204
Image via Star Cinema

Sa isang pambihirang pagkakataon, bumisita si Kapuso actor Alden Richards sa ABS-CBN para i-promote ang upcoming movie nila ni Kapamilya actress Kathryn Bernardo na “Hello Love Goodbye”.

Masayang sinalubong ni Bernardo at staff ng rival network si Richards kahapon, Hunyo 25.


Ayon kay ‘Pambansang Bae’, hindi ito ang unang beses pumunta siya sa bakuran ng ‘Dos. Inamin nitong “medyo surreal” ang kanyang nararamdaman.

Dumayo siya sa ABS-CBN para i-shoot ang mga video at digital plugs kasama ang ‘Kapamilya Teen Queen.’

Inilibot din ni Bernardo si Richards sa compound ng ABS-CBN.

Matapos ang warm welcome, dumalo sila sa isang pray-over sa Star Cinema office para ipagdasal na maging matagumpay ang kanilang pelikula.

Isang intimate lunch ang naganap din sa pagitan nina Bernardo, Richards, ABS-CBN president and CEO Carlo Katigbak, ABS-CBN chairman Mark Lopez, at Star Cinema managing director Olivia M. Lamasan.

Sa Hulyo 31, mapapanood sa lahat ng sinehan ang “Hello Love Goodbye.”

Facebook Comments

From Advertisers