Alden Richards, ipinaliwanag ang bedroom scene kasama si Kathryn Bernardo

795
Instagram/ Alden Richards

Ipinaliwanag ni Alden Richards ang intimate scene kasama si Kathryn Bernardo sa kanilang pelikulang Hello, Love, Goodbye.

Ayon kay Alden, kinailangan niyang makasiguro na komportable si Kathryn na gawin ang eksena na nangyari isang hotel room sa pelikula.


“I have to make Kathryn comfortable as well kasi siya po yung babae and of course, especially whe doing scenes,” aniya.

Inamin ni Alden na kinabahan siyang gawin ang eksena lalo na’t ito ang pinakaunang shoot sa pelikula.

“Yun yung first day ko sa pelikula tapos yun nga pong scene na ‘yun nga pong scene na ‘yn and siyempre po, kabado kasi what if kapag napanood na… ganiyan,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Alden na sinunod niya lamang ang mga instruction ni Direk Cathy Garcia- Molina. Ani Direk Cathy, maraming takes ang eksenang iyon dahil kay Alden.




Nang tanungin kung may daya ito, “Amin nalang ‘yun, trade secrets ang tawag dun, hindi shine-share!”

Dagdag ni Direk Cathy, nagpaalam naman si Kathryn kay Daniel sa ikalawang intimate scene kasama si Alden sa basurahan. Sinabi rin ni Direk Cathy na kabado na ang aktres at nanginginig sa pangalawang eksena.

Umani naman ng magandang reaksyon mula sa mga netizen ang pelikula.

Pahayag naman ng mga nakanood ng pelikula, gusto nilang magkaroon ng sequel ito.

Palabas ang Hello, Love, Goodbye sa 350 na sinehan sa buong bansa.

Facebook Comments