Alden Richards, nanawagan na ireport ang fake account na gumagaya sa kanya

Nanawagan ang aktor na si Alden Richards sa kanyang mga fans na ireport ang fake account na nakapangalan sa kanya.

Ito ay makaraang ma-alarma si Alden matapos makarating sa kanya na meron siyang isang poser na gumawa ng Facebook page gamit ang kanyang pangalan at gamer logo na AR gaming.

Nabatid na ang AR gaming ang gametag na ginagamit ni Alden.


May post pa ang nasabing poser sa pekeng Facebook page na layong makapanloko ng mga netizen.

Maliwanag na gusto raw ng poser na magkaroon ng maraming likes at shares ang pekeng FB page dahil pwede siyang kumita kapag na-monetize na ito.

May guidelines kasi ang Facebook na puwedeng ma-monetize ang mga FB fanpage kapag mayroon kang more than 10,000 na likes.

Facebook Comments