Nilinaw ng DepEd Dagupan City Division ang posisyon at katapatan sa pagpapanatili ng integridad at pagiging propesyonal kasunod ng alegasyon sa swimming technical officials sa Division City Athletic Association.
Ayon sa tanggapan, wala pa umanong ebidensya na isinusumite bilang suporta sa alegasyon ng korapsyon at panunuhol sa mga opisyal para sa angkop na imbestigasyon.
Iginiit din ang pagtalima sa mga umiiral na panuntunan at regulasyon upang makaiwas sa anumang paglabag sa protocol ng gobyerno.
Sa hiwalay na pahayag, nilinaw rin ng Pamahalaang Panlungsod ng Dagupan ang hindi pangingialam sa selection, judging at audition process sa naturang sports dahil taliwas ito pinanghahawakang prinsipyo.
Sa huli, iginiit ng dalawang tanggapan ang pagtataguyod ng patas at transparent na proseso para sa mga atletang Dagupeño.
Hinihikayat naman ang mga indibidwal na may ebidensya sa naturang isyu na magsumite ng pormal na ulat para sa angkop at wastong proseso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









