
Tinawag na fake news ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. ang alegasyon ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) hinggil sa umano’y “ghost deliveries” ng fertilizers.
Ayon sa SINAG, nagkaroon umano ng “fraudulent transactions” sa distribusyon ng abono sa ilang bahagi ng Luzon.
Pero, ayon sa kalihim, nagkaroon lang ng pagkaantala sa dating ng supplies dulot ng masamang panahon sa China.
Binigyan nila aniya ng hanggang Setyembre 15 ang mga suppliers upang makapag-deliver ng fertilizers.
Ayon kay Tiu Laurel, pinaiimbestigahan na niya ang tatlong suppliers na responsable sa pagkaantala ng shipment.
Aniya, sa sandaling mapatunayan nilang may pagkukulang ang mga suppliers ay posibleng sila ay pagmultahin o mailagay sa blacklist.









