
Tinawag na kalokohan ng Department of Justice (DOJ) ang mga alegasyon ng “tanim-buto” sa Taal Lake.
Kasunod ito ng mga pahayag sa social media na sinadya lamang umanong ilagay ang mga hinihinalang buto ng tao na naiahon mula sa lawa.
Sa puling balitaan kanina, sinabi ni Remulla na bahagi ito ng politika.
Ngayon ang ikaapat na araw ng technical diving na isinagawa ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Taal Lake para hanapin ang mga nawawalang sabungero.
Nasa limang sako ang kabuuang nakuha sa lawa mula nang mag-umpisa ang operasyon noong Biyernes.
Facebook Comments









