Alegasyon ni Pacquiao na nawala ang P10.4 bilyon pondo ng SAP, maliit na bagay ayon sa Malakanyang

Maituturing na maliit na bagay ang mga alegasyon ni Senator Manny Pacquiao na may nawawalang P10.4 bilyon sa pondo ng Social Amelioration Program (SAP).

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, tulad ng isang watusi, walang kuwenta dahil puro generalized ang mga alegasyon.

Habang wala rin aniyang bill of particulars, walang specific instances, walang ebidensiya at hindi man lamang nagfollow-up kagaya ng sinabi ni Senador Richard Gordon.


Kasabay nito, ipinamukha naman ni Roque kay Pacquiao na mali ang sistemang nais na itulak nito sa usaping kanyang pinalutang.

Matatandaang una rito, inilabas ni Pacquiao ang kanyang pasabog na korapsyon sa gobyerno at sinabing nasa 1.3 milyong benepisyaryo ng SAP ang hindi umano nakakuha ng tulong ngayong may pandemya dulot ng COVID-19.

Habang kinuwestyon din ni Pacquiao ang paggamit ng e-wallet na Star Pay sa programa ng SAP.

Dahil dito, balak ng senador na maghain ng isang resolusyon upang imbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee ang Star Pay.

Facebook Comments