Alegasyon ni Sen. Bato na “kulang sa asim ang PNP”, sinagot ni PNP Chief Azurin

Panahon lamang ang makakapagsabi kung anong klaseng pamumuno ang kailangan.

Tugon ito ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., sa alegasyon ni Sen. Ronald ‘Bato’ dela rosa na kulang sa asim ang PNP kaya lumalakas na naman ang loob ngayon ng mga kriminal.

Ayon kay Azurin, nirerespeto niya ang opinyon ni Sen. Bato na dati ring pinamunuan ang Pambansang Pulisya.


Gayunman, may kaniya-kaniya aniyang istilo ang bawat lider sa paggampan ng kanilang trabaho.

Paliwanag nito, bagama’t maraming pumupununa sa kanilang kampanya ngayon laban sa kriminalidad ay wala silang babaguhin dito.

Malinaw ani Azurin ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na gawing ligtas ang bansa sa lahat ng mamayan.

Dagdag pa ni Azurin, mahigpit ang atas ng pangulo na gumamit lamang ng pwersa kung kinakailangan.

Nanindigan din ito na gagawin nila ng tama ang kanilang trabaho kasabay nang pagtitiyak na nasusunod ang lahat ng karapatang pantao.

Facebook Comments