Alegasyong ginawang election fund ang 2025 budget, pinalagan ng Palasyo

Hinamon ni Palace Press Officer Claire Castro si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na maglabas ng ebidensya para patunayan ang kanyang mga alegasyon na ginawa ang General Appropriations Act 2025 para sa election fund.

Kasunod ito ng pahayag ni Magalong na ayaw niyang matulad ang Pilipinas sa sitwasyon ng Venezuela na naghirap dahil sa malawakang korupsyon.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, mas mainam pa aniya kung direktang maibibigay ng alkalde ang ebidensya sa kaniya para mapag-aralan nya ito ay mapaimbestigahan.


Giit ni Castro, iginagalang nila ang pananaw ni Magalong ngunit dapat anyang suportahan nito ng konkretong ebidensya ang kanyang isinisiwalat upang hindi makasira sa imahe ng gobyerno at sa mga pulitikong walang kinalaman sa naturang isyu.

Facebook Comments