ALEGASYONG GUMAGAMIT UMANO NG ILEGAL NA DROGA SI PBBM,UMANI NG SAMU’T SARING REAKSYON MULA SA MGA DAGUPEÑO

Umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga Dagupeño ang kontrobersyal na pahayag ni Senator Imee Marcos na umano’y gumagamit ng ilegal na droga ang kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon sa panayam sa ilang residente, may mga nagulat sa alegasyon samantalang may mga nagsabi naman hindi na ito bago sa kanila.

Marami ang mga katulad ni Aling Ofelia, isang tindera sa Malimgas Public Market, na dismayado sa ulat.

Malaki rin umano ang tyansa na totoo ito dahil kapatid na mismo ng pangulo ang nagsiwalat.

Samantala, mayroon ring mga gaya ni Mang Federico, isang tricycle driver, na hati ang opinyon sa isyu.

Aniya, kung totoo man ang alegasyon ay dapat nang tigilan ng Presidente ang gawain at kung hindi naman totoo ay baka paninira lamang ito ng senador sa kaniyang kapatid.

Ang estudyante namang si Marianne, naniniwala na dapat maging mabuting ehemplo ang pangulo para sa mga Pilipino upang mapuksa ang problema sa ilegal na droga.

Sa kabila ng magkakaibang pananaw, nananatiling nanawagan ang mga Dagupeño sa pamahalaan na unahin ang pagsisilbi sa bayan bago ang sariling kapakanan.

Facebook Comments