Alegasyong insertions sa 2025 national budget, mariing itinanggi ni Rep. Terry Ridon

Mariing itinanggi ni Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon ang alegasyon na may kinalaman siya sa binanggit ni Batangas Rep. Leandro Leviste na insertions sa 2025 national budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay Ridon, imposible ang sinasabi ni Leviste dahil kakabalik lang nya sa Kongreso nitong June 30, 2025 sa ilalim ng 20th Congress at hindi pa sya kongresista noong 2024 o 19th congress na panahong binuo ang 2025 national budget.

Ayon kay Ridon, kaysa lituhin ni Leviste ang publiko, ay mas magandang llabas nalang nito ang buo, at hindi pa-konti-konting 2025 DPWH project listing with proponents na sinasabi nagsasaad ng mga Kongresista, Senador, mga opisyal mula sa Ehekutibo, gayundin ang Kalihim at Undersecretary sa labas ng DPWH, pati mga pribadong indibidwal.

Giit ni Ridon, maaring ilabas ni Leviste ang listahan ng kahit walang abiso o pahintulot mula sa Kongreso o kay DPWH Sec. Vince Dizon.

Dagdag pa ni Ridon, mahalaga ding ipaliwanag ni Rep. Leviste kung bakit hindi ito agad inilabas pagkakuha niya Cabral noong September 4, 2025, o higit tatlong buwan na ang nakalipas.

Para kay Ridon, importanteng ipaliwanag ni Leviste kung bakit ngayon lang niya binabanggit ang listahang ito kung kelan patay na ang nag-iisang maaaring makapagpatunay ng authenticity ng dokumento.

Facebook Comments